Thursday, April 20, 2017

Okay lang ako

Okay lang ako
Pero ang totoo, hindi yun totoo
Ang totoo;
Pagod na pagod na ako
napagod sa kakahintay
na balang araw ika'y mag reply
napagod sa pagpupuyat
na nagbabakasakaling ika'y magchat
napagod sa kaka-asang ika'y magtatapat
na meron ka ring nararamdaman
nararamdaman na hindi mo maintindihan
kaya ikaw ay lumapit saakin noon
at sinabing “pwede ba kitang--”
hindi ko na pinatapos ang iyong sasabihin,
sa pagkakaalam kong ika'y may lihim na pag tingin saakin.
Agad akong um-oo
wala panga atang isang segundo
tang*na! Napasagot mo ko.
OO.
Napa-sagot mo ko..
Alam mo yung ganitong nararamdaman.
Nararamdaman na hindi ko maintindihan
kaya naman agad akong um-oo noong tinanong mo ako.
Nakakahiya naman kasi kung aking tanggihan
alam ko yung tawag dito..
Ito ba yung tinatawag nilang 'LOVE AT FIRST SIGHT'?
Teka mukhang mali , baka 'Love at the wrong time'
Araw araw tayong magkasama
Pero mahal, bakit hindi mo ko binigyan ng babala
babala na sayo'y wala akong mapapala
babala na huwag umasa dahil hindi naman ako siya
hindi ako siya
at hinding hindi mangyayari na ako ay magiging “siya”
dahil ang binibigay mo saakin ay puro 'malisya'
motibo na may ibabalik kang “mahal din kita”
mahal din kita
mahal, mahal na mahal kita
Akala ko kasi yung sasabihin mo noon “miss!pwede ba kitang ligawan?”
langya!! un pala “pwede ka bang maging kaibigan”
Pagod na pagod na ako
Pero..
Wala akong karapatan na magalit sayo
At lalong wala akong karapatang isumbat lahat ng ito sayo
dahil noong una palang naman
Ako na tong nagkamali
Kaya kahit pagod na pagod na pagod na pagod na ako
magtitiis ako
kahit na magmukha akong tanga kaka-asa
na bumalik ulit sa dati ang panahon
at sa pagkakataong iyon hindi ka na magtatanong dahil matagal na kitang sinagot.
Sinagot, noong oras ng pangangailangan mo.
Noong winasak niya ang puso mo.
Lumapit ka saakin noon .
Noon..
Pero ngayon buo kana ulit.
Naayos na ang dating sira
hindi dahil lumapit ka saakin
kundi dahil nabuo na ang kayo sa kalagitnaan ng “TAYO”
TAYONG ako lang ang may alam
TAYONG ,andyan lang pag tayong dalawa lang ang magkasama
TAYONG, sa mata ko lang nakikila.
TAYONG, matagal na AKO lang pala
kaya kahit pagod na pagod na pagod na pagod na ako
Tinitiis ko dahil sa maling akala ko
Mahal, alam kong Mahal mo din ako
Alam kong balang araw, mawawala ako sa buhay mo
mawawala itong nararamdaman ko
nararamdaman na hanggang ngayon ay di ko maintindihan
kaya naman matibay pa din akong kumakapit
Kumakapit ako sa lubid na ating binuo
itinali ko ng mahigpit pero mabilis kang umalma at tumakbo
kumawala ka sa lubid na ibingay mo
Kaya ngayon ako na lang ang nakakapit dito sa lubid na ito
Lubid na para sa akin ay mahalaga, pero iyong binali-wala
lubid ng pagkakaibigan
x


x

Monday, January 30, 2017

Ano nga ba tayo?


Ano nga ba Tayo?,Nasan na nga ba tayo?
Mga katagang kay daling bigkasin ngunit kay hirap sagutin
Pangamba sa puso'y nagniningning sa oras na iyong sagutin ang aking mga katanungan.
Nakakalito, oo litong- lito na ako
Hindi ko alam kung nasaan na nga ba tayo...
kung ako ba ay may lugar sa puso mo o kaya nama'y tapos na tayo .
Teka! ano nga bang tatapusin saatin gayo'ng wala naman tayong sinimulan.

kung parati na lang tayong naglolokohan, kung ang pagtingin ko sayo'y palagay mo'y isang laro lamang,

kung ang ating pagmamahalan ay puro daldalan, sumbatan 
daldalan..
sumbatan..

Paano mabubuo ng "ikaw" at "ako" yung pinapangarap nating "tayo" kung "siya" at "ikaw" ay may nabuo ng "Kayo".

Pasensya mahal kung naabala kita sa pagmamahalan niyong dalawa , pasensya kung ginugulo kita , kung pinilit kong ikulong ang sarili ko sa mundo mo , pinilit kong ibulong ang pagmamahal ko sa puso mo


Naalala ko may sari-sarili pala tayong mundo

Ang tanga ko lang kasi ginawa kitang sentro ng mundo't buhay ko gayo'ng ang tingin mo sa akin ay isa lang sa mga kontinente nito .


Naiinip din ako mahal ..

Kay tagal ko ng hinihintay na ika'y matagpuan 
Akala ko ikaw na ang kasagutan pero nagkamali ako dito pa lang pala mag sisimula ang napaka raming katanungan.


Nasan na nga ba tayo?

Alam kong maski ikaw hindi mo rin alam ang sagot sa aking katanungan,
kung malayo na ba ang ating narating o nandito pa rin nakatayo sa dating tagpuan, noong ang mga mata natin ay di sinasadyang mag kabanggaan, pinagtagpo tayo ng di inaasahan. Bakit pa? gayo'ng isa sa atin ay masasaktan sa iyong biglaang paglisan.


Masyado ng komplikado 

Relasyon nating ito
hindi ko alam kung may "TAYO"

Ano kaya kung magpaalam na lang ako?
Kung ako na lang ang lumisan ,kahit na kay sakit,

paano kaya kung ika'y aking tigilan? Luha ko kaya'y mapipigilan?

Ano na  nga ba tayo? Tayo na nga ba ?.. Ano ba?

Itutuloy pa ba natin 'to o tuluyan ng magwawakas dito?

Okay lang ako

Okay lang ako Pero ang totoo, hindi yun totoo Ang totoo; Pagod na pagod na ako napagod sa kakahintay na balang araw ika'y...