Mga katagang kay daling bigkasin ngunit kay hirap sagutin
Pangamba sa puso'y nagniningning sa oras na iyong sagutin ang aking mga katanungan.
Hindi ko alam kung nasaan na nga ba tayo...
kung ako ba ay may lugar sa puso mo o kaya nama'y tapos na tayo .
Teka! ano nga bang tatapusin saatin gayo'ng wala naman tayong sinimulan.
kung parati na lang tayong naglolokohan, kung ang pagtingin ko sayo'y palagay mo'y isang laro lamang,
kung ang ating pagmamahalan ay puro daldalan, sumbatan
daldalan..
sumbatan..
Paano mabubuo ng "ikaw" at "ako" yung pinapangarap nating "tayo" kung "siya" at "ikaw" ay may nabuo ng "Kayo".
Pasensya mahal kung naabala kita sa pagmamahalan niyong dalawa , pasensya kung ginugulo kita , kung pinilit kong ikulong ang sarili ko sa mundo mo , pinilit kong ibulong ang pagmamahal ko sa puso mo
Naalala ko may sari-sarili pala tayong mundo
Ang tanga ko lang kasi ginawa kitang sentro ng mundo't buhay ko gayo'ng ang tingin mo sa akin ay isa lang sa mga kontinente nito .
Naiinip din ako mahal ..
Kay tagal ko ng hinihintay na ika'y matagpuan
Nasan na nga ba tayo?
Alam kong maski ikaw hindi mo rin alam ang sagot sa aking katanungan,
kung malayo na ba ang ating narating o nandito pa rin nakatayo sa dating tagpuan, noong ang mga mata natin ay di sinasadyang mag kabanggaan, pinagtagpo tayo ng di inaasahan. Bakit pa? gayo'ng isa sa atin ay masasaktan sa iyong biglaang paglisan.
Masyado ng komplikado
Relasyon nating ito
hindi ko alam kung may "TAYO"
Ano kaya kung magpaalam na lang ako?
paano kaya kung ika'y aking tigilan? Luha ko kaya'y mapipigilan?
Ano na nga ba tayo? Tayo na nga ba ?.. Ano ba?
Itutuloy pa ba natin 'to o tuluyan ng magwawakas dito?